05.06.09

DEPTH

Posted in Uncategorized at 11:11 pm by chris

Kupal: Wow tsong, pansin ko lang a, medyo alang substance yata tong blog mo.
Dude: Oh? Pano mo naman nasabi?
Kupal: Alam mo na, parang nangangailangan ng depth pare.
Dude: Bakit nga? Tadyakan kita dyan e. Me pa depth-depth ka pang nalalaman.
Kupal: Inde kasi, puro na lang mga kababawan pinagsasasabi mo dito. Fine dining, gadget-gadget,  blah, blah, pati mga isda isinusulat mo. Dami mong kaartehan parekoy. Ang gusto ko lang naman, e, makitang nagsusulat ka din ng may saysay.
Dude: Aba, ansakit mo naman magsalita. Aber, sabihin mo nga: Tulad ng?
Kupal: Politics, my man. Duh… sabagay ni hindi mo man lang yata napasadahan yung Republic ni Plato o kaya yung mga bio ni Solon, ano ha? Kaya di mo naaapreciate yung relevance.
Dude: Asus. E, sa ayaw ko ng mga ganyang topic. Ano gusto mo,  gawan ko ng analysis kung bakit pink ang preferred color ni BF o kung ano pinaggagawa ng mga madre sa tabi ni Lozada. Alam mo ba yung konsepto ng feel-good theme ha?
Kupal: Kunwari ka pa, aminin mo na lang. Ala kang clue inde ba? Ikaw kasi dapat sumasama ka na ulit sa toma, at least naiinform ka sa mga current events. Sige na, shots tayo mamaya.
Dude: Ala kang pera, no?
Kupal: Tsk, lika na. Alang sasagot sa pulutan.
Dude: Ungas, tapos gagamitin mo blog ko.

2 Comments »

  1. niki said,

    Hey Chris where are you? We’re having a little get together later, been trying to reach you kaso iba na ata number mo.

  2. chris said,

    same number pa rin. yung smart. dunno which one’s working i got three numbers with niki on it e.


Leave a Comment